Friday, December 09, 2005

galit (in english, anger)
(December 9, 2005 / 8:49pm)


oo, ako'y galit... umaga pa lang hindi na masaya ang araw ako. ngunit nung pumasok ako sa kalay ay sinubukan kong maging masaya. naging masaya nga ako, pero hindi sapat upang matanggal ang aking galit sa aking isipan.

kung nagtataka kayo kung saan ako galit... hindi saan... kanino. galit ako sa nanay ko. dahil sa kanyang walang kwentang letanya kanina umaga. wala sa lugar ang kanyang mga sinasabi. gusto ko sana siya sagutin, ngunit ayaw ko mabwiset ang araw ko... sa totoo, gustong gusto ko siyang barahin sa mga sinasabi niya kanina... kaso pinilit ko na lang ang sarili ko... tinimpis ko na lang ito... ngunit, parang di ko ito papalampasin... kung humirit muli siya bukas ng umaga, bahala na... ano man ang mangyari, isusulat ko na lang muli sa blog na ito bukas (o sa makalawa).

kahit nung sinundo ko siya kanina sa opisina, di ko pinapansin... lalo pang kanina nung nagdadasal kami... talagang galit ako.

kasi naman talaga, wala siyang karapatan mag-drama sa mga pinagsasabi niya... at sana sinuri niya muna ang sitwasyon kanina... nakakabwiset lang talaga ang nanay ko!!

putang ina niya talaga.



...ayon, naibuhos ko na ata yung nasa loobin ko tungkol sa aking galit sa araw na ito. sarap talagang barahin o sagutin ang mga sinasabi ng nanay ko kanina...

grrr!!!

o, cya... ito na muna sa araw na ito.


(i think this is good enough to vent off my anger... and typing it in my native tongue feels good... i think i should type in filipino more often...)

laterz...

No comments: