Wednesday, December 28, 2005

Dedma... (a.k.a. the song about my feelings)

Lagi Mo Na Lang Akong Dinededma
by:Rocksteddy

Matagal ko nang gustong malaman mo
Matagal ko nangg itinatago-tago 'to
Nahihiyang magsalita
At umuurong aking dila
Pwede bang bukas na
Ipagpaliban muna natin 'to

Dahil kumukuha lang ng tiyempo
Upang sabihin sa iyo

Mahal kita, pero 'di mo lang alam
Mahal kita, pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita, kahit 'di mo na ako tinitignan
Mahal kita, kahit 'di mo lang alam, ohwoh..

Matagal ko ng gustong sabihin 'to
Matagal ko ng gustong aminin sa'yo
Sandali, eto na
At sasabihin ko na
Ngayon na, mamaya
O baka pwedeng bukas na

Dahil kumukuha lang ng buwelo
Upang sabihin sa iyo

Mahal kita, pero 'di mo lang alam
Mahal kita, pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita, kahit 'di mo na ako tinitignan
Mahal kita, pero 'di mo lang alam, ohwoh..

Ngunit kumukuha lng ng tiyempo
Upang sbihin sa iyo

spoken:
Mahal kita pero di mo lang alam

Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan
Ayaw mo naman itanong sakin kasi baka nga naman hindi naman ikaw
At hindi ko rin naman sayo sasabihin kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw
Mahal kita pero hindi nga lang halata
Hindi halata kasi wala naman akong ginagawa
Hindi ako kumikibo hindi ako nagsasalita WALA
Pero hindi ako TORPE
Hindi ko lang talaga masabi sayo ng harapan
Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam
Hindi mo ko titignan di rin kita titgnan
Lagi mo lang akong pakikiramdaman lagi rin kitang pakikiramdaman
At araw araw tayong magdededmahan
Hanggang sa tayo ay magkabistuhan
Pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko
Nais kong magkaalaman na
Nais kong ako na rin ang magsabi sayo ng harapan
Kasi alam kong doon din naman ang tuloy nyan
At dalawa din lang naman ang posibleng sagot dyan
Oo o hindi
Kaya eto na sasabihin ko na para matapos na
At hindi na magka-tsismisan pa
Sasabihin ko na para wala nang problema
At para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa

Mahal kita, pero di mo lang alam
Mahal kita, pero di mo lang ramdam
Mahal kita, kahit di mo na ako tinitignan
Mahal kita, kahit lagi mo na lang akong dinededma

No comments: