Thursday, November 25, 2004

November 25, 2004 / 6:44pm

well, na re-connect na uli yung phoneline namin... kaya, im back with my blog...

anyways, i wanna post my circulation paper which i wrote for my social psych class... it's about ME...

so here goes...

Real (what i am)
Ako. Ang alam ko sa tunay kong pagkatao ay ganito… Ako ay isang simpleng tao na may mga panagarap. Ang iba sa mga pangarap na pinapangarap ko ay natupad na, at ang iba naman ay nagdadasal na sana’y makamit ko ang mga iyon. Kung tutuusin nga, masaya na ako sa ganitong sitwasyon ng buhay ko. Ngunit tao rin ako at may mga gusto rin ako sa buhay. Tulad ngayon, sa totoo, di ako masaya sa kalagayan ko ngayon. Sa mga nangyari sa akin lately, parang di ako nasasayahan sa mga nangyayari sa buhay ko. Pero nagaagwan ko naman i-compensate ang mga nangyari sa akin, kaya nagagawa ko rin na maging masaya anuman ang mga pinagdadaanan ko ngayon.

Ideal (what i want)
Ang gusto ko sa buhay ay maging peaceful ang pag-iisip. Walang stresses sa buhay, tulad ng mga problemang dinadaanan ko ngayon. Isali na rin ang pagkakaroon ng maayos (o mataas) na pinansyal na sitwasyon. At para makuha ako ang ganoong pinansyal na pangangailanagan ay dapat may maayos at respetong trabaho ang aking makukuha. Iyon lang naman ang simpleng hiling ko sa buhay. Isingit na rin yung mga gusto kong magawa bago mamatay (mahabang listahan iyon, kaya saka na lang).

Ought (what people see me)
Akala sa karamihan ng mga kaklase ko ay matalino ako. Pero sa totoo ay matiyaga lang akong tao. Ayaw ko sa tao na tinuturing akong isang masipag na tao, kasi tamad talaga ako. MATIYAGA, at hindi masipag (magkaiba iyon). Kung tutuusin nga, kaya ako nagtiyatiyaga dahil may mga panagrap rin ako sa buhay. At doon sa pagtiyatiyaga ko ay nape-perceive ako ng karamihan ng masipag na tao. Mas gugustuhin ko na tawagin akong mabait (kasi totoo naman), matiyaga (tumpak!), pero masipag (I don’t think so!). Tulad ng research paper ko noong nakaraang semester, hindi ko talaga nagustuhan ang aming topic, kaso pinilit ko na lang maging matiyaga sa gawain na iyon. Kahit na hindi ko trip talaga noong mga panahon na iyon ang pag-aaral na ginawa naming, ginawa ko pa rin ang aking makakaya upang magakagawa ng isang maayos na pag-aaral.


... anyways... ayon...

and i decided a few nights ago to go back to victory... but with my terms... and this time i've learned my lesson, from both sides... i know things will be different, but i am sure that things will fall into the right places...

anyways, pahinga na muna ako...

laterz. c",)

No comments: